HINDI pa man nagsisimula ang panahon ng kampanya para sa mga lokal na posisyon ay tila tapos na raw ang araw ng halalan sa isang lungsod sa Central Luzon.
Bukod sa pagmamalaking mahina ang kanyang bagitong kalaban ay ibinabandera ng isang sikat na mambabatas na sure daw ang suporta sa kanya ng kanilang constituents dahil sa tinatawag na “tried and tested formula”.
Mula sa Kongreso ay munisipyo ang target ng ating bida dahil tapos na ang kanyang termino bilang isang kongresista.
Kung babalikan ang kasaysayan ng kanyang political background ay hindi maihihiwalay at maitatanggi na malaking pera ang kanyang naging puhunan.
Noon pa man kasi ay balita na kaya lumipat sa kanyang kampo ang buong grupo ng mga konsehal ay dahil tinapatan niya ito ng malaking halaga ng salapi.
In short, binili ang kanilang suporta kaya nakapwesto siya sa pulitika ayon sa aking Cricket sa Poblacion.
Kaya ngayong panahon ng halalan ay malamang na ito ang kanyang sinasabing tried and tested formula para manalo sa susunod na eleksyon.
Sa nakaraang lagdaan ng peace covenant kung saan ay signatory ang lahat ng mga mayoralty candidates ay kitang-kita kung paanong binully ni Madam ang kanyang kalaban.
Bitbit ang kanyang mga tagasuporta ay mistulang irap-irapan niya ang mas batang katunggali ayon sa ilang nakasaksi.
Kung dati ay kulay dilaw ang kanilang suot, ngayon ay nagawa nilang lumipat sa partido ng pangulo na pagpapakita lamang na ang grupo nila ay isa ring variety ng mga balimbing ayon pa sa aking Cricket.
Ang bida sa ating kwento ngayong araw ay si Madam L….as in Ligaya.