‘Sikreto’ nina Wally at Jose ibinuking ni Coco sa socmed

COCO MARTIN, JOSE MANALO AT WALLY BAYOLA

Tuwang-tuwa ang 2.7 million followers ni Coco Martin sa kanyang Instagram post recently.

Tatlong short video ng kuwelang chikahan on stage nina Wally Bayola at Jose Manalo ang ipinost ni Coco sa kanyang IG account. Pinag-uusapan ng dalawa ang mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya naman tawang-tawa ang audience. Kinukuwento ni Jose ang ilang eksena na ikinuwento sa kanya ng isang kaibigan.

With that, nabuking tuloy ng audience na nanonood ng Ang Probinsyano si Jose kahit na ang palusot niya ay ikinuwento lang sa kanya ang mga eksena.

“Hahaha! Halatang nanonood mg Probinsyano mga taga GMA. Hehehe.”

“Sikat talaga ang AP kasi topic ng kabilang station. Sikat tlaga idol namin @mr.cocomartin.”

“Nanonood talaga sila! Nakaka good vibes direk Co! Mahal namin kayo ni Yassi Pressman.”

“Dami naman kwento siguro galing kapitbahay yan kwento or nanood kamag anak ni Bayola.”

“Tutok na tutok sa promdi yung nag kwento kay wally hahahaha!”

“Yung kakagising mo lang tas eto bubungad sa IG feed mo. Hahahaha! Jusmeeeee alam na alam e. Kaya naman pala pinaka-mataas rating ng #FPJAP pati taga-GMA, watch talaga.”

 

Read more...