Janine matindi ang hirap at sakripisyo sa ‘Dragon Lady’

JANINE GUTIERREZ AT DIANA ZUBIRI

Mas inspirado at mas ganadong magtrabaho ngayon si Janine Gutierrez dahil sa magagandang reviews at mataas na rating ng Dragon Lady.

Nagpapasalamat ang Kapuso actress sa mga papuring tinatanggap niya at ng buong production ng Dragon Lady mula sa mga manonood. Ibig sabihin, sulit na sulit ang hirap at pagod na dinaranas niya bilang si Celestina o Yna sa serye.

Sa kaniyang Instagram Stories, ipinakita ng dalaga kung gaano kahirap ang preparasyon niya sa bawat taping ng kanilang serye lalo na ang paglalagay sa kanya ng prosthetics.

Aniya, magdamagan talaga ang kanilang taping at may mga araw na siya ang nahuhuling umuwi dahil sa paglalagay at pagtatanggal ng kanyang prosthetics. Pero sabi nga ng dalaga, nawawala ang lahat ng pagod at stress niya kapag nakakabasa siya ng magagandang reviews and comments mula sa mga viewers.
“Always the only one left with the tent boys. Thank you for today. Survived! And then by the time you get all the leftover prosthetics off at home, you have an hour and a half to sleep,” caption ni Janine sa kanyang IG post.

Patuloy na tutukan ang Dragon Lady mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Kasama rin dito sina Tom Rodriguez, Edgar Allan Guzman, Joyce Ching, Diana Zubiri, James Blanco at marami pang iba.

Read more...