PUMAYAG si Angel Locsin na maging “yaya” ng mga anak ng kanyang kaibigan at kumare na si Dimples Romana.
Super thankful si Dimples kay Angel dahil hindi siya nagdalawang-salita sa Kapamilya Action-Drama Queen nang humingi siya ng tulong para bantayan at alagaan nang ilang oras ang youngest son niyang si Alonzo.
Sa kanyang Instagram account, ikinuwento ni Dimples kung paano at bakit napilitan siyang hingan ng favor si Angel kahit alam niyang busy din ang kanyang kaibigan.
Ayon kay Dimples, kasama niyang lumabas ang asawang si Boyet Ahmee at ang kanilang mga anak para manood ng sine with her siblings in-law. Pero bigla raw niyang naalala na hindi pwede sa bata ang pelikulang panonoorin nila. Kaya napilitan siyang tawagan si Angel.
Narito ang ilang bahahi ng IG post ng magaling na character actress: “Naalala ko hindi nga pala pwede ang mga anak ko sa movie na papanuorin namin. So naisip ko, teka anlapit ng sinehan kay Gel.
“So I asked her if I can leave my kids with her while we watch the 2-hour movie.
“Shempre best in Ninang sya, she said yes and that spontaneous babysitting she did for her inaanaks turned into the most fun time we’ve had in a long time.
“Pagkasundo namin sa mga bata, nagkwentuhan, kumain, nagtawanan at nangarap ulit,” pahayag pa ni Dimples.
Sey pa ng aktres, napakaswerte niya sa pagkakaroon ng kaibigan na tulad ni Angel na bukod sa totoong tao na, very generous pa sa ibang tao, at in fairness, hindi raw showbiz ang friendship nila.
“So happy for you mars at Salamat sa pagkakaibigan that goes beyond showbiz. Nung naisip ko na isang Angel Locsin ang nagbabantay sa mga anak ko, nangiti ako at naalala ko why we’re friends in the first place.
“Dahil sa pagkakaibigan natin, Walang artista. Tao lang. Salamat. Haba na sorry. Aylabyu Gel. Saludo ako sa pagiging totoo at pagiging tao mo. Walang hihigit,” aniya pa.
Nag-post naman si Angel sa kanyang Instagram Stories ng mga litrato nila ni Alonso na kuha habang nagba-bonding silang magninang. Nilagyan niya ito ng caption na, “Hindi ko na sila isosoli. Ever.”
Nagsimula ang magagandang pagkakaibigan nina Angel at Dimples nang magkasama sila sa Kapamilya primetime series na Lobo noong 2008.