Marjorie nakabayad na sa utang na loob kay Gretchen, tumubo pa sa ginawang panunumbat

MARJORIE AT GRETCHEN BARRETTO

Dahil sa ginawang panunumbat ni Gretchen Barretto sa kanyang mga naitulong kay Marjorie, may mga kababayan tayong nagbibigay ng opinyon na wala na itong utang sa kanya, bayad na raw si Marjorie at tumubo pa si Gretchen.

May paniniwala kasi tayo bilang mga Kristiyano na ang tulong na ginagawa ng kaliwang kamay natin ay hindi na dapat ipinaaalam sa kanan. Nawawalan kasi ng indulhensiya ang ating pagtulong kapag isinusumbat natin ‘yun.

Sa ginawa ni Gretchen na pag-alala sa mga tulong na naibigay niya kay Marjorie ay iisa ang opinyon ng mas nakararami nating kababayan na Indian giver ang aktres. Bigay-bawi raw si Gretchen.

Pero may malalim na hugot ang aktres sa kanyang mga sinabi, nag-ugat ‘yun sa mga rebelasyon ng kanyang daldakinang pamangkin na si Dani, si Marjorie lang daw ang nag-iisang nagpalaki sa kanya na akto ng panunumbat kay Kier Legaspi na ama ng dalaga.

Nainis si Gretchen dahil hindi man lang itinama ni Marjorie ang kanyang anak, ni hindi nagbigay ng panahon si Marjorie para sabihin ang katotohanan na sina Gretchen at Claudine ang magkatuwang na nagpala sa kanyang anak mula nang isilang ito hanggang sa lumaki, du’n na pumasok sa eksena si Gretchen na kung tawagin ngayon ng ating mga kababayan ay sawsaw-suka.

Read more...