NABITIN ang mga nakapanood sa digital series ng iWant TV Na Bagman na pinagbibidahan ni Arjo Atayde dahil anim na episodes lang ang ipinanood sa members ng press.
Kaya siguradong inabangan ng mga nakapanood sa first six episodes ang sumunod na tatlo pa last Wednesday. Ang last three episodes naman ay mapapanood sa April 3.
First solo lead project ni Arjo ang Bagman, kung hindi kami nagkakamali. Tumanggap ng maraming papuri ang aktor sa social media dahil sa pagganap niya bilang madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya.
May comment also from a netizen saying na young version siya ng veteran actor na si Eddie Garcia.
For sure, sa magandang takbo ng career ni Arjo ngayon ay feeling blessed siya. Hindi rin kasi biro ang hirap na pinagdaanan niya nu’ng nagsisimula pa lang siya bilang artista.
Kaya may hugot ang mensahe ni Arjo sa kanyang socmed account. Say niya, “When I find myself wanting to quit, I look back and ask myself why I started in the first place… that reason reminds that I should stay.”
May magandang career na, happy pa ang lovelife ni Arjo. Hopefully, si Maine Mendoza na ang destined for him. At siyempre, inaabangan na rin ng ArMaine fans ang unang project nila together.
Kung may happy sa relasyon nila, meron ding bitter. Gaya na lang ng netizen na si @estrellitaalinea na nag-post ng ganito, “Kahit kailan no ArMaine! Di sya papasa sa nanay at tatay ni Meng. Very strict ang parents niya.”
Paano naman kaya niya nalaman na ‘di papasa si Arjo sa parents ni Maine?
Anyway, ang Bagman ay mula sa Dreamscape Digital at Rein Entertainment. Kasama rin dito sina Alan Paule, Yayo Aguila, Chanel Latorre at Raymond Bagatsing.
Ang 12-part series na ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico, at nilikha naman nina Lino Cayetano, Philip King at Shugo.
Panoorin ang Bagman nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.