Bet mo? Plastik palit bigas

KUNG ang isang kilo ng plastik na basura ay papalitan ng isang kilong bigas, mag—iipon ka ba?

Ayon kay Aangat Tayo Rep. Neil Abayon makatutulong ng malaki na mabawasan ang kalat na plastik kung may mga ganitong programa ng gobyerno.

Bukod sa plastik ay pwede rin umanong palitan ng bigas o perang katumbas nito ang mga patapong bakal.

Sinabi ni Abayon na dapat humanap ng paraan ang gobyerno para maging matagumpay ang recycling program nito dahil ang kasalukuyang programa ay hindi gaanong epektibo gaya ng pagsosoli ng bote o plastic bag sa mga redemption center ng walang nakukuhang kapalit.

“It is not enough that we appeal to Filipinos to return their plastic bottles and wrappers, and other solid wastes to redemption centers. The thought of having to go back to the store carrying a load or bags of recyclable solid waste is not an attractive proposition,” ani Abayon.

Inihain ni Abayon ang House bill 9170 para magkaroon ng batas kaugnay ng pagpapalit ng bigas sa plastik at bakal.

“When Filipino families do their general house cleaning and knowing there are incentives for proper disposal of recyclable waste and junk, they will now set aside the disposables in a large bag or a large and go to the nearest materials recovery facility to exchange their junk and waste for cash or basic goods their families can use,” saad ng solon.

Read more...