Ha Ji Won, Jang Seung Jo magsasama sa ‘Chocolate’

KOREAN word of the week: “Cheonman e yo” – sa Ingles translation ito’y “Don’t Mention It” o “You’re welcome.” Sa Tagalog naman, ito ay “Walang anuman.”
q q q
Posibleng magsama ang Korean superstar na si Ha Ji Won at ang isa sa bida ng blockbuster K-series na Encounter na si Jang Seung Jo sakaling tanggapin ng huli ang project.

Kinumpirma ng agency ni Seung Jo na ACE Factor Entertainment na kasalukuyang nirerepaso ang alok sa kanya para maging bahagi ng seryeng Chocolate.

Ito’y kwento ng isang sikat na chef at isang neurosurgeon na magtutulungan para magbigay ng pagkain at tulong medikal sa kanilang mga kababayan.

Gaganap si Ji Won bilang chef, samantalang ang magaling na aktor naman na si Yoon Kye Sang ang gaganap bilang neurosurgeon.

Sakaling tanggapin, gaganap din si Seung Jo bilang isang neurosurgeon sa Keo Sung hospital na magiging karibal ni Kye Sang.

Kabilang sa mga hit K-drama ni Ji Won ang Empress Ki (2013), Something Happened in Bali (2004), Secret Garden (2010), The King 2 Hearts (2012) at Hospital Ship (2017).

Samanta, nakilala naman si Kye Sang sa mga seryeng My 19 Year Old Sister-in-Law (2004), Who Are You? (2008), Crazy for You (2007), The Moonlight of Seoul (2008), The Executioner (2009) at The Greatest Love (2011).

Bukod sa Encounter, bumida rin si Seung Jo sa Money Flower (2017) at Familiar Wife (2018).

 

Read more...