Tom naghahanda na para sa kasal nila ni Carla; Matuloy kaya ngayong 2019? | Bandera

Tom naghahanda na para sa kasal nila ni Carla; Matuloy kaya ngayong 2019?

Ervin Santiago |March 26,2019
facebook
share this

Tom naghahanda na para sa kasal nila ni Carla; Matuloy kaya ngayong 2019?

Ervin Santiago - March 26, 2019 - 12:28 AM

CARLA ABELLANA AT TOM RODRIGUEZ

PINAGHAHANDAAN na ng Kapuso hunk na si Tom Rodriguez ang kasal nila ni Carla Abellana.

May kumalat na chika na baka raw anytime this year maganap ang wedding nila ng Kapuso actress. Ito raw ang dahilan kaya naka-rest mode muna sa showbiz si Carla.

Sa panayam ng ilang entertainment writers kay Tom, natanong kung totoo bang may bonggang wedding ngang magaganap this year?

“Ah, I don’t wanna put a definite date to it pero working up to it. Basta secret muna,” ang tumatawang sagot ng leading man ni Janine Gutierrez sa pinag-uusapang Kapuso afternoon series na Dragon Lady.

Samantala, natanong din si Tom kung nag-iba ba ang dynamics ng kanyang acting ngayong nasa panghapong timeslot ang bago niyang serye at wala sa primetime.

“Sa akin it’s no different, e. For me it’s the same. Like as long as I’m there working with brilliant people, with people who are just as excited and just as passionate to be where they are, I already feel like a winner.

“Sa akin hindi ko inisip yung, I know it’s siguro bad of me to think about it pero hindi naman sa dini-disregard ko yung rating coz I know that it’s important.

“Pero since it’s not something I directly have influence over I mean kung ano lang naman yung trabaho ko iyon lang makakaya kong gawin e.

“So du’n lang ako nagpo-focus, kung ano yung mae-enjoy ko, iyon nga, itong team ng Dragon Lady na napakagaling at napaka-passionate sa ginagawa nila,” paliwanag ni Tom.

In fairness, malakas din ang chemistry ng tambalan nila ni Janine sa Dragon Lady kung saan gumaganap sila bilang sina Michael Chan at Celestina Sanchez, respectively. In fact, puro positive ang comments ng viewers nang magtagpo na ang kanilang mga karakter sa kuwento.

Passionate si Tom sa kanyang acting career kaya bukod sa pag-aaral ng Mandarin ay talagang pinag-aralan din niya ang rowing dahil kailangan ito sa kuwento.

“One day lang, kasi humingi ako sa GMA na kung puwede akong mag-immerse sa kanila, pinagbigyan ako, yun nga lang the next day nag-taping na kami,” sey ng binata.

Super na-enjoy ni Tom ang rowing, “Sobra! Hindi ako nakagalaw nung second day, gumugulong akong parang uod sa kama!”

Balak niyang gawing regular sport activity ang rowing, “Gusto ko, sana. Medyo inaano ko kasi grabe kapag nasa ilalim ka ng araw du’n kahit naka-sunblock ka hindi tumatalab.”

Game rin si Tom sa mga sexy scenes niya sa Dragon Lady, “Kasi ngayon naka-Keto diet na ako. So far parang okay naman sa akin ang hirap lang ng walang, ang dairy bawas, tsaka yung mga carbs talaga.”

Bukod sa pagganda ng kanyang katawan, nakakatulong rin daw sa kanyang allergy ang Keto diet.

“I initially thought na since I have to prepare for a new role, I have to lose weight at the same time it might help me with my atopic dermatitis, yung allergies na meron ako, na sabi nila since l lately medyo umaano siya nung umuwi ako ng Pilipinas galing sa States nagpe-flare up, sabi daw Keto diet might help, kasi carbs is very inflammatory e.

“So, nakaka-inflame yung ano, nakakamaga yung mga rice, kahit mga quinoa, so for me daw baka makatulong,” lahad pa ng Kapuso actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, kasama rin sa Dragon Lady sina Joyce Ching, Diana Zubiri, James Blanco, Maricar de Mesa, Edgar Allan Guzman, Odette Khan, Dexter Doria, Lovely Abella at Julie Lee. Napapanood ito sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending