Personal na tinanggap ng Phenomenal Star ang kanyang award at sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan niya ang producers ng “Jak Em Popoy” na sina Mr. Tony Tuviera, Vic Sotto at Coco Martin.
Sa isang video na inilabas sa Twitter gamit ang hashtag na #BoxofficeQueen2019Maine, nakuhanan ang pakikipagbeso-beso niya kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ginawaran din ng award.
Napansin naman sa speech ni Meng ang mga salitang, “namin,” “natin,”, “ng lahat”, ibig sabihin hindi niya sinolo ang tinanggap na parangal dahil naniniwala siya na hindi niya maaabot ang estadong kinalalayan niya ngayon nang mag-isa lang.
Ang susunod na trabaho ni Maine ay ang taping para sa Eat Bulaga Lenten Drama specials and take note, sa abroad din ang location nito, huh!
Ayon sa nakuha naming impormasyon, sa Japan, Hong Kong at Mynmar ang destinasyon ng EB Dabarkads para sa taping ng kani-kanilang episodes.
May mga nakita kaming picture sa social media kahapon at tila si Alden Richards ang napunta sa Hong Kong kahit likod lang niya ang nakita sa litrato. Kung sa HK ang taping ni Alden, baka segue na rin siya ng shooting doon para sa pelikula nila ni Kathryn.
Balitang three weeks sina Kath at Alden sa HK at ang alam namin lilipad din ang Pambansang Bae sa Amerika dahil isa siya sa mga magiging special guests sa Sunday musical show ng GMA na Studio 7 na gagawin sa Brooklyn, New York.
Anyway, wala pa kaming kumpirmasyon kung totoong magkakasama nga sa EB Holy Week drama sina Alden at Maine. Pero abangers at wishing pa rin siyempre ang solid members ng AlDub Nation na kahit ngayong Holy Week lang ay pagbigyan sila ng management.
Magiging makabuluhan daw ang paggunita nila sa Mahal Na Araw kung mapapanood nila sina Alden at Maine na magkatambal sa Lenten special ng Kapuso noontime show.