Nadine paghahandaan ang movie nila ni Angel: OMG! Sana matuloy!

PAGHAHANDAAN ni Nadine Lustre sakaling makasama nga niya sa isang action-drama movie si Angel Locsin.

Kilig na kilig ang girlfriend ni Jame Reid nang sumagot si Angel sa pamamagitan ng social media na payag siyang makasama si Nadine sa isang maaksyong pelikula.

Napanood at nabasa kasi ni Angel ang wish ni Nadine kaya sinabi nitong na game na game siyang magkatrabaho sila.

Sa isang interview sinabi ng aktres na ipinagdarasal niya na sana’y matuloy nga ang proyektong ito.

“Oh my God! Hopefully, sana. Sana. I’m excited for that kasi siyempre si ate Angel yun, di ba? Kumbaga ibang level ‘yun. So if ever man na matutuloy yun I’d be really, really happy,” pahayag ng lead star ng pelikulang “Ulan”.

In fairness, kahit walang teleserye, very visible pa rin si Nadine sa mga showbiz events. After ng pelikulang “Ulan”, magiging busy na uli ang dalaga sa shooting ng next movie niya, ang “Indak” na susundan agad ng reunion film nila ni James.

Kuwento ni Nadine tungkol sa “Indak”, “This film is more on dancing so, parang musical ang dating niya. Very exciting din siya. Kasama ko sa movie si Sam Concepcion and other Viva artists, Hashtag Vito, Nathan Eugenio, and marami pa. Puro taga-Viva silang lahat and of course ang G-Force kasama rin namin.”

Para sa pelikulang ito, kinailangan niyang mag-aral ng Bisaya, “Sobrang hirap niya actually. But there are parts in the movie na Bisaya talaga kami mag-usap nila Ms. Yayo (Aguila) kasi siya yung nanay ko sa movie so meron kaming mga conversations na Bisaya pero limited lang kasi medyo mahirap nga siya.

“It talks about parang yung passion ng mga mananayaw sa Pilipinas, how very passionate they are. But I’m not allowed to spill pa kasi baka masabi ko lahat eh,” tumatawang sabi pa ni Nadine.

At bukod nga sa mga pelikula pang gagawin niya, pasabog din ang bago niyang endorsement para sa isang international fashion brand kung saan ipinakita ni Nadine ang kanyang kaseksihan. Maraming nagtatanong kung paano niya napapanatili ang kanyang seksing katawan, aniya, exercise lang at tamang diet.

“Yes, I still eat normal of course but meron akong yung packed food so yun yung palagi kong kinakain,” aniya pa.

q q q
Pinatunayan ng komedyanteng si Lassy na hindi lang basta kaibigan ang turing sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Isa si Lassy sa mga kabatuhan ng punchlines ni Vice noon sa mga comedy bar at palagi rin itong kasama sa mga pelikula ng TV host-comedian. At napakalaki raw ng tinatanaw niyang utang na loob sa Showtime host.

“Nagpapasalamat ako kay Meme Vice, kasi isa siya sa mga talagang nag-push sa akin para makapasok dito sa industriya. Si Vice kasi nandoon talaga ang suporta niya sa akin bilang kapatid niya, kasamahan sa trabaho at isang BFF,” sey ni Lassy.

Hindi lang kaibigan ang trato sa kanya ni Vice at sa iba pa nilang mga friends, kundi tunay na kapamilya na.

“Nang una akong gumawa ng pelikula na wala siya, lagi siya nakaabang kung ano nangyayari sa akin. ‘Yung ganu’n parang nanay pinapanood, tinitingnan yung anak niya kung ano ang ginagawa,” chika pa ni Lassy.

Kasama si Lassy sa pelikulang “Papa Pogi” ng Regal Films starring Teddy Corpuz at marami ang nagsasabi na mas marami pa siyang nakakatawang eksena sa movie kesa sa bida.

Read more...