Nalungkot si Monsour del Rosario sa pagpatay sa female staff ni dating Mayor Junjun Binay na si Monette Bernardo.
“She was always smiling, mabait, accommodating, hindi siya suplada. When you needed something, she would always find ways to make sure Mayor would go about whatever you needed kung kailangan mo siya i-meeting. When I was a councilor, she was very, very nice,” chika ni Monsour sa amin sa outreach program ni Mayor Junjun sa San Jose del Monte, Bulacan last Saturday.
Sa Viber group nalaman ni Monsour ang nangyari sa assistant ni Mayor Junjun Binay. Magka-tandem sila as Junjun is running as mayor in Makati and he as vice mayor.
“I am sad because bago nangyari ‘yun, nasa pocket meeting lahat ng team, kasama siya doon. Pag-uwi niya parang si-nundan pa siya ng kasama naming to make sure that she’s safe. That night, when she got home, wala siyang kasama sa bahay.
“Normally may mga kasama siya. Umalis ‘yung mother niya, ‘yung brother niya may pinuntahan nasa loob siya ng garage niya, the shooter entered, fired one shot, 45 calibre, tinamaan ang wrist niya tapos pumasok sa tiyan pero hindi tumagos ang bala.
“Nakikiramay po kami sa pamilya at kamag-anak ni Monette Bernardo, na malapit na kaibigan at katrabaho ni Mayor Jun Binay. Siya po ay pumanaw kahapon mula sa kanyang sugat na natamo nang siya’y barilin sa kanyang sariling tahanan ng mga hindi pa nakikilalang tao. Tutulong po tayo para makamit niya ang hustisya! Hindi dapat ganito sa Makati!”
That was Monsour’s post last Saturday.