MULING nagbigay ng paalala si Willie Revillame sa lahat ng mga kababayan natin na nagbabalak pumunta sa studio ng Wowowin sa GMA 7.
Ayon sa TV host-comedian, hangga’t maaari ay huwag nang magsama ng mga bata at mga lolo at lola na mahina na ang katawan at may mga karamdaman.
May matitigas pa rin kasi ang mga ulo na bitbit ang kanilang mga matatandaang kaanak kapag pumipila sa Wowowin. A-yon kay Willie sa tindi ng init ngayon baka may mangyari pang masama sa mga ito. At iyon nga raw ang kanilang iniiwasan.
“Meron po kaming announcement, yung mga manonood dito sa show, huwag niyo na po isama ang mga bata. Yung may mga karamdaman, lolo, lola, huwag na po kayo mag-aksaya ng panahon, baba-wal na po namin ‘yan. Ayaw po namin ng ganyan,” ang muling paalala ni Willie sa publiko.
Kung matatandaan, matindi ang naging epekto kay Willie ng aksidenteng nangyari sa studio ng Wowowin nitong nagdaang Enero lang.
Isang miyembro ng audience (76 years old na) ang nasawi matapos mahulog sa bleacher habang nagte-taping ang programa. Tumama ang ulo nito sa isang fire extinguisher.
Ayon kay Willie, edad 17 hanggang 70 lamang ang maaaring papasukin sa studio, “Pagpasensyahan niyo na. Ako nagdesisyon nito, walang iba. Kasi kawawa yung mga bata at lola’t lolo. Sana’y intindihin niyo.”
Samantala, sa isa pang episode ng programa ipinaalala rin ng komedyante sa mga manonood at sa mga taong pumipila para maging bahagi ng studio audience, na hindi charity show ang Wowowin.
“Itong programa na ito ay nagbibigay ng saya but it’s also a game show. Game of chance. Kung manalo kayo, mabuti. Pero huwag po kayo pipila diyan at hihingi sa amin ng pera pampaopera o pampali-bing,” aniya.
“Hindi po ako mayor. Hindi po ako nasa politika. Ako po ay nandito para magpasaya at wala pong kinikilingan. Yung nanga-ngailangan, tutulungan at ang mga nanloloko, babalewalain,” paliwanag pa ng Kapuso TV host.