MAGSASAMA nga ba sa isang movie project ang mag-sisteraka na sina Gretchen at Claudine Barretto?
Marami kasi ang na-excite sa chika na gagawa raw ng pelikula together ang dalawa. Ito ang nilinaw ng mag-ate sa kanyang Instagram Live kamakailan.
“Naku, ‘yung ate ko ayaw nang mag-artista,” unang sabi ni Claudine sa tanong ng netizen.
“Pero sabi ko sa kanya, ‘Alam mo kapag ako ang kasama kailangan ko ‘yon. Bigay mo sakin ‘yun,’” hirit pa ng aktres.
Ito naman ang paliwanag naman ni Greta, “I cannot be in one screen with this girl, I don’t think may matatapos na trabaho. Ha-hahaha!”
Dagdag pa niya, “Baka naman kasi kapag may drama scene, tatawa kami, baka puro nalang chismis, kain, whatever.”
Happy din daw si Gretchen sa pagbabalik ng kapatid sa showbiz, “I’m glad she’s back and I wish to see her on screen, I wish to see her working again.”
“Right now, I value the time that we have together,” dugtong pa niya.
Kung matatandaan, huling napanood si Claudine sa pelikulang “Etiquette for Mistresses” with Kris Aquino, Kim Chiu and Iza Calzado noong 2015 habang sa pelikulang “The Trial” naman huling lumabas si Gretchen.