Tubig sa Angat Dam posibleng bumaba sa critical level sa Abril

POSIBLENG bumaba sa critical level sa katapusan ng Abril ang tubig sa Angat dam, ang pangunahing pinagkukunan ng suplay sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Ngayong umaga, ang lebel ng tubig dito ay 195.91 o pagbabang 0.33 metro sa nakalipas na 24 na oras.

Ang normal high water level ng Angat ay 212 metro. Ang critical lebel naman nito ay 180 metro.

Sa Angat nanggagaling ang 96 porsyento ng tubig ng Metro Manila.

Nakararanas ng El Nino ang bansa kaya konti ang bumubuhos na ulan.

Ang lebel naman ng tubig sa La Mesa dam kahapon ay 68.60 metro bumaba mula sa 68.62 metro noong Sabado ng umaga. Ang normal high water level dito ay 80.15 metro. Ang critical lebel nito ay 69 metro.

Dahil sa pagbaba ay nabawasan ang isinusuplay ng Manila Water. Kukuha ito ng tubig sa Angat dam upang mabawasan ang kakulangan.

Read more...