Jaya nakunan matapos tanggalan ng bato sa apdo

NAKUNAN pala si Jaya sa ikatlong anak sana nila ng asawang si Gary Gotidoc.

Dumaan sa matinding pagsubok ang Soul Diva noong 2014 kung saan inatake siya ng matinding kalungkutan dahil sa pagkawala ng baby sa kanyang sinapupunan.

Naging emosyonal si Jaya nang ikuwento ang bahaging ito ng kanyang buhay nang mag-guest kamakailan sa morning show na Magandang Buhay.
Sumailalim daw ang singer sa gallstones removal noon na nagresulta sa pagkamatay ng kanilang three-month-old unborn baby.

Kuwento ni Gary, nag-decide sila na ituloy ang surgery dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ni Jaya, na noo’y nasa kaligitnaan din ng kanyang concert tour.

“The reason why I was so concerned was because of amount of pain she was in. I have never seen her like that before in my life,” kuwento ni Gary.

Four days after ng surgery, nalaman ni Jaya sa kanyang follow-up check up na wala ng heartbeat ang bata sa kanyang sinapupunan. Kuwento ng Kapamilya singer, “Ang sakit-sakit ng kalooban ko, puwede akong mag-breakdown.”

“We prayed about it, together. And God just revealed to us that, ‘be grateful with the kids you have,’ so it makes us appreciate our kids more.

“The hardest part was, we were already preparing to have another baby. We’re getting Dylan’s (pangalawang anak) old stuff out,” ayon naman sa mister ni Jaya. Pinangalanan nilang Max ang kanila sanang ikatlong anak.

Ayon naman kay Jaya, “Isang malaking blessing na kahit hindi man namin siya nakita, we will see Max in heaven.”

Read more...