Pia Cayetano tahimik sa mga isyu ng kababaihan

BUWAN pa rin para pahalagahan ang mga kababaihan at sa paparating na eleksiyon, hindi natin dapat kalimutan kung totoo ngang ipinaglalaban ng mga kumakandidato ang karapatan ng mga kabaro nila.
Sa mga nakaraang taon naging tahimik si Taguig City Representative Pia Cayetano sa isyu na nakakaapekto sa mga kababaihan.
Nauna nang binatikos ng mga women’s group, partikular ng Babaylanes Incorporated ang pagkabigo ni Cayetano na manindigan para sa kababaihan.
Bago ang kasalukuyang administrasyon, nagpapakilala si Cayetano na isang women’s rights champion matapos namang maging pangunahing nagsulong ng reproductive health bill sa Senado.
Sa kanyang pagganap bilang kinatawan sa Kamara, hindi naman naringgan si Pia ng klarong paninindigan pabor sa mga kababaihan.
Nakakabingi ang katahimikan ni Pia sa mga isyung kailangan ang paninindigan para sa mga kababaihan.
Iginiit ni Sister Mary John Mananzan, isang feminist at Executive Director ng Institute of Women’s Studies ng St Scholastica’s College, ang kahalagahan ng mga lider na “conscious at aware of feminism”.
“I think we should differentiate between education of women and conscientization of women. There’s a lot of educated women who do not have a women consciousness. It’s not even alright just to vote for women; these women we vote for should have a women consciousness or else they are worse than men,” sabi ni Mananzan.
Kabilang sa mga isyu sanang dapat manindigan ni Cayetano ay catcalling, rape joke at iba pang mga derogatory comment laban sa mga kababaihan.
Ngunit bakit nakakabingi ang katahimikan ni Cayetano sa mga isyu ng kababaihan?
Sa pagkakaalam ko, ang isang pro-women ay naninindagan sa isyu ng mga kababaihan sa lahat ng oras at hindi lamang kung kailan niya ito maisipan.
Maraming mga isyu ng mga kababaihan ngayon na dapat panindigan lalo na ng mga nagpapakilalang women’s champion.
Dapat din ay maging mapanuri ang mga kababaihan at kilatisin kung ipaglalaban talaga ang karapatan at ang mga benepisyo ng mga babae kahit hindi kampanya.

Read more...