Horoscope, March 23, 2019 | Bandera

Horoscope, March 23, 2019

Madam Sophia - March 23, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsusuot ng alahas na silver. Sa alahas na silver sasagana ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ang silver na singsing kung laging susuutin at mentras antigo at mentras mataas ang kalidad ay magdadala sa iyo ng suwerte sa salapi at magpapainit din ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silver buenas din ang red.

Aries – (Marso 21-April 19) — May malaking halaga ng salaping darating. Matuwa ka at magalak, pero hindi naman sinasabing ubusuin mo agad-agad ang mga perang nahahawakan mo. Matutong magtipid para may savings ang pamilya. Sa pag-ibig, panahon ngayon ng mga Aries, ibig sabihin anomang kilos at galaw ay aani ng ligaya at malaking tagumpay. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om” Blue at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig at pananalapi, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Brown at gray ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Humiling ka ngayon ng isang bagay na noon mo pa gustong mangyari. Magugulat ka, kakasya ka ng langit, ang mga hiniling mo ay kusang matutupad at magkakatotoo. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Naaala mo ba ng minsang naging emosyonal ka, luha at kalungkutan lang ang napala mo? Sa pagkakataong ito, gamitn ang isip at talino. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magandang kapalaran ay dagli ng mapapasa iyo. Sa pag-ibig, tunay na katugma at ka-compatible mo ang isang Scorpio. Mapalad ang 2, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Paikot-ikot lang ang kapalaran, ngunit ang kakaibat, unti-unti ng umaangat ang roleta ng iyong suwerte at magandang kapalaran. Kung saan, magugulat ang mga kasabayan at karibal mo, makikita nilang nasa tuktok ka na ng gulong ng kapalaran habang sila naman ay nanatili na lang sa ibaba. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Aquarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang bueans.

Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka uunlad at yayaman? Sa pag-ibig kung hindi lalambingin ang kasuyo hindi sasarap ang romansahan. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang maglalayo muna kayo ng landas. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Elohim-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kinikita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil alam mo namang mahina ang loob niya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Om.” Purple at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag intindihin ang mga naninira at umiintriga sa ‘yo, ang mas mahalaga, ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil bukas-makawlaa, madadaig mo sila. Silang mga naninira at umiintriga sa iyo ay mapapahamak habang ikaw naman ay uunlad ng uunlad. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung nararamdaman mong namumunga na ang iyong pagsisikap, magpatuloy ka, dahil ito na ang simula ng malaon ng nakatakda sa iyong buhay – ang pagyaman. Sa pag-ibig, hindi dapat mawala sa iyong tabi ang kasuyong may kayumangging kulay ng balat, dahil siya ang iyong lucky charms. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Unti-unti mo ng natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, wag mo ng intindihin yong mga taong hindi naman sa ‘yo umiintindi, maghanap ng bagong mamahalin. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga maaangihan ka nya. Sa pag-ibig, ito ang panahon para sabihin sa kasuyo na: “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending