Hiwalay na ang hashtags na gamit ng fans ni Alden Richards at ni Maine Mendoza sa Twitter.
Pero tuloy pa rin naman ang pagsuporta ng AlDub Nation sa kanilang mga idolo sa social media. Nangako nga ang ADN na hinding-hindi sila bibitiw sa phenomenal loveteam na minahal nila nang totoo simula pa noong isilang ang makasaysayang Kalyeserye ng Eat Bulaga.
Gamit ng fans ni Alden ang #ALDENBackToWork; #PhenoMAINEalStar naman sa fans ni Meng; habang pina-trend naman ng ADN ang #ALDUBSolidRock.
Take note, trending ang lahat ng hashtags na ginamit ng respective supporters nina Alden at Maine, huh!
At kung may Arjo Atayde na si Meng, sabik na sabik na rin ang fans ni Alden na mapanood ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo sa movie.
Wish nila na magkaroon ng workshop ang dalawa dahil gusto nilang mas maging close pa ang mga ito sa isa’t isa at mabigyan ng justice ang kanilang mga role sa gagawin nilang movie.
Anyway, back to Eat Bulaga na sina Alden at Maine matapos ang mahigit isang linggong bakasyon sa Holy Land sa Israel.