Promise ni Bayani Agbayani: Hindi po ako magiging corrupt!

BAYANI AGBAYANI

“Hindi ako magiging corrupt!” Ito ang tahasan at mariing pangako ni Bayani Agbayani should he get elected (or appointed) to public office.

Dati na palang inalok ng puwesto sa MTRCB ang komedyante, but his work schedule wouldn’t permit him to perform his mandated duties.

Pero kung sakali raw na pumalaot siya sa pulitika, getting involved in corrupt practices is a remote possibility. Hindi raw niya kasi masisikmurang mula sa nakaw ang ipapakain niya sa kan-yang pamilya.

Sounds noble yet too good to be true. Masarap pakinggan at malaman na ang sinabing ‘yon ni Bayani will be remembered when his turn to serve beckons.

Back in GMA ay nakatrabaho namin sa loob ng maikling panahon ang kanyang maybahay, si Len. On the side ay nagnenegosyo si Len as she and Bayani were starting to build a family back then. Mabait na’y maganda pa si Len.

Kadalasan kasi, ang nagsisilbing dahilan ng pagkasira (o tagumpay) ng maraming male politicians is their wives’ greed o ambisyong mas matayog pa kesa sa mga dyowa nila.

Parang Lady Macbeth lang ang peg.

Read more...