BB Gandanghari naospital sa US, biktima ng pambu-bully sa trabaho

NAG-ALALA ang mga kapamilya at kaibigan ng kapatid ni Robin Padilla na si BB Gandanghari matapos itong mag-post ng litrato habang nasa isang ospital sa Amerika.

Kuwento ni BB, ito raw ang resulta ng pambu-bully sa kanya sa mismong pinagtatrabahuang kompanya sa US. Sa kanyang Instagram account, makikita ang litrato ng kanyang kamay na may suot na hospital tag. May petsa itong March 20, 2019.

Sa caption, ikinuwento niya ang ilang detalye ng pambu-bully sa kanya sa trabaho, “Say NO to workplace BULLYING”.

“What would you do when you’re transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me?” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy pa ni BB, “My body’s a train wreck that I was advised by my doctor to pause from work as I deal with this extreme emotional distress and severe anxiety attack that’s causing my blood pressure to shoot up. So help me God.”

Hindi naman nabanggit ni BB kung bakit siya naospital pero ang paniwala ng kanyang mga IG followers, may nanakit sa kanya sa pinapasukang kumpanya. O, di kaya’y may nakaaway siya at nauwi sa pisikalan.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, nakakuha na ng mahigit 2,600 reactions at daan-daan na rin ang nag-comment gamit ang ipinost na hashtags ni BB na #SayNoToBullying #NoToDiscrimination #NotoRacism at #NotoHypocrisy. Narito naman ang ilang komento ng kanyang followers.

Ayon kay @leprechaun90210, “You’re strong enough to be discouraged by the struggle you are having. You are way better than that or this. You are you. You are tough. You are Gandanghari. You have my love.”

Ito naman ang sabi ni @queenmelomanila, “You’re a fighter my dear! Be strong and stay fabulous! Love you!”

“Document everything, every incident write it down. Then go to your HR, report mo every incident that happened. Naka detail lahat ng harassment sa iyo. Get a copy of your doc prognosis, tell them that your work is affecting your health.

“You can claim disability for that, i know someone from my work who did that. They must make arrangements for u to accommodate you sa workplace. Keep up the good fight, show them the kind of woman they deserve,” payo naman kay BB ni @its_minervz.

Read more...