Good ba or bad ang experience mo sa gov’t agency? I-report na ‘yan

Good ba o bad ang experience mo sa pakikipag-transact sa government agency?

Well kailangan ng Civil Service Commission ang tulong mo para makagawa ito ng move to improve the services ng mga taong pinapasuweldo ng buwis na ibinabayad mo.

Inilunsad ng CSC ang Oplan Malasakit sa Serbisyo para personal na masaksihan ng ahensya ang serbisyong ibinibigay ng mga frontline service ng iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada pwedeng ireport ang good or bad experiences sa Contact Center ng Bayan via PLDT Landline 165-65, via SMS to 0908-88-16565 or email@contactcenterngbayan.gov.ph.

Pwede ring magbigay ng feedback sa website ng CCB (www.contactcenterngbayan.gov.ph.)

Pumunta si Lizada sa iba’t ibang ahensya sa Legaspi City kung saan nakuhanan ng video ng kanyang staff ang isang staff at guard ng Philippine Statistic Authority na nanonood sa cellphone na itinago sa loob ng table drawer.

May nahuli rin si Lizada na isang job order staff sa Legazpi city government na nagbukas ng kanyang Facebook account sa computer na pagmamay-ari ng gobyerno.

Hindi rin nagustuhan ni Lizada ang kawalan umano ng malasakit ng staff ng Legazpi City Health Office at Government Service Insurance System Legazpi City Branch sa kanilang katransaksyon.

Inutusan ni Lizada ang CSC regional office na simulan na ang paghahain ng kasong administratibo laban sa mga lumalabag sa civil service rule.

“I told the CSC regional director to file the charges motu propio. We have to do this or else, hindi kami seseryosohin,” ani Lizada.

Maituturing umano itong Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sa ilalim ng CSC Resolution No. 1701077 (Rules on Administrative Cases in the Civil Service).

Ang mapatutunayang nagkasala ay maaaring masuspendi ng anim na buwan hanggang isang taon. Kung uulit ay masisibak na ito sa serbisyo.

Natuwa naman si Lizada sa magandang frontline service ng Pag-IBIG Legazpi Member Services Branch at Pinuri maging ang malinis na banyo nito.

Read more...