Pagre-resign ni Maine sa ‘Bulaga’ fake news; habang binabagsak, dumarami ang blessing

MAINE MENDOZA

BINIYAYAAN muli si Maine Mendoza ng bagong TV commercial.

This time, sikat na brand ng gasoline ang latest endorsement ng Phenomenal Star base na rin sa latest post ng manager niyang si Rams David.

Komento ng ilang fans ni Meng, okay lang ang walang tigil na pamba-bash sa idolo nila, basta wala ring tigil ang dating ng blessings sa kanya!

Sabik na sabik na rin silang makitang muli si Maine sa Eat Bulaga nang live matapos ang biyahe ng mga Dabarkads sa Holy Land sa Israel.

Huwag na raw bigyan ng issue ang ilang araw na pag-absent ni Maine sa EB. Hindi totoong tinanggal o nag-resign na siya sa noontime show ng GMA. Ayon sa management ng Bulaga, nagkaroon lang ng conflict ang schedule ng Dubsmash Queen kaya hindi siya nakapag-report sa programa.

Read more...