Female celebrity laging nilalayasan ng kasambahay: ‘Inaatake sila ng nerbiyos!’

BUONG akala ng mas nakararami ay sa labas lang ng kanyang bahay nakikitang palaging nakasimangot ang isang female personality.

Hindi pala totoo ‘yun, kahit pala sa kanyang bahay ay simangutera rin ang kilalang aktres, kaya maraming hindi nagtatagal na kasambahay sa kanya.

Natural, kapag palaging nakasimangot ang tao ay suplada ang kanyang dating, ninenerbiyos ang kanyang mga nakakaharap, tulad ng kanyang kasambahay na galing pa sa probinsiya.

Kuwento ng isang source, “Meron siyang tagahanap ng kasambahay, sa taong ‘yun tumatawag ang female personality kapag kailangan niya ng maid.

“Takang-taka ang tinatawagan niya kung bakit ganu’n, nakakadalawang buwan pa lang sa kanya ang kasambahay, pero umaalis na agad! Natural lang na magtaka ang recruiter niya kung bakit palaging ganu’n ang nangyayari.

“One time, e, kinausap niya ang isang umalis na kasambahay ng female personality. Kasi nga, two months pa lang ang girl sa bahay niya, pero umuwi na.

“Ang sabi sa kanya ng maid, e, hindi raw naman sila nagugutom sa house nu’ng aktres, nakakain daw naman nila ang gusto nila, hindi raw sila pinagdadamutan ng food.

“Meron din silang off once a week, kanila raw ang maghapong ‘yun, ibinibigay raw naman sa kanila ng female personality ang pinag-usapan nila.

“Pero ang hindi raw matagalan ng girl, e, nakasimangot palagi ang amo niya. Mula umaga hanggang gabi, palagi raw nakasimangot lang siya, kaya ninenerbiyos ang mga pumapasok na kasambahay sa kanya.

“Wala raw siyang ibang facial expression, basta pagsimangot lang, kaya kapag tinatawag niya ang mga kasambahay niya, e, nanginginig sa nerbiyos ang mga maids niya!

“Ang ipinagtataka ng mga kasambahay niya, sa mga serye namang kasali siya, e, tawa siya nang tawa. Bakit daw hindi rin ‘yun magawa ng female personality sa sarili niyang tahanan?

“Kapag nasa labas na siya, e, nakasimangot na nga siya, pagdating sa bahay niya, e, nakasimangot pa rin siya, pero sa TV show niya, e, napakalakas niya namang tumawa?

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, panglalaki ang name niya, promise! Mahilig siyang kumain ng spaghetti at ng kung anu-ano pang pasta, dahil ganu’n siya lumaki!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Read more...