“Madaling magpaawa, pero mahirap magpasaya ng tao!” ‘Yan ang paniniwala ni Kiray Celis bilang isang komedyana sa telebisyon at pelikula.
Bata lang si Kiray ay nagpapataw na siya, pero aniya, sa ilang taong pamamalagi sa showbiz, mas effort daw ang mag-comedy kesa umiyak
Ayon sa dalaga, napakahirap maging komedyante, “For me, sa lahat ng characters na nabigay sa akin, ang pinakamahirap para sa akin ang pagiging komedyante.
“Kasi, madali lang umiyak, madali lang maging malungkot, madali lang magpaawa, pero mahirap magpasaya ng tao.”
Dagdag pa niya, “Kahit malungkot kami, puwede kami makapagbigay ng happiness sa tao na hindi nila malalaman kahit may problema kami o sad kami, pero ‘yung kabaligtaran nun puwede namin mabigay sa mga tao.”
“Struggle kasi akala nila every time na kapag nakikita nila kami, feeling nila ang saya-saya namin palagi,” hirit pa ni Kiray.
Makakasama ang dalaga sa comedy film na “Kiko en Lala” na pagbibidahan ni Super Tekla under GMA Films.