POSIBLENG mauwi sa karahasan ang parinigan ng dalawang angkan sa Southern Tagalog Region makaraang ilabas ng Pangulo ang kanyang narco list.
Galit na galit ang pamilya ng isang dating Cabinet member dahil ang apelyido nila ay kabilang sa mga namayagpag sa listahan ng mga drug protector na pinangalanan ng Pangulo.
Malaki ang kanilang hinala na isang lider ng Kamara ang nakialam para mapabilang sa narco list ang kanilang pangalan.
Pero sa totoo lang ay hindi ito ang unang pagkakataon na naugnay sila sa droga lalo’t ilang kaanak na rin naman ng dating Cabinet member ang nahuli dahil sa drugs.
Tulad ng inaasahan ay walang nangyari sa kanilang involvement sa drugs lalo’t malakas si Sir sa nakaraang administrasyon.
Kilalang magkalaban sa pulitika ang dalawang pamilya na sinasabing drug haven sa rehiyon.
Pati ang dating gobernador sa lugar na matagal na ring namatay ay makailang napabilang sa hanay mga pulitikong sinasabing protektor ng bawal na gamot.
Pero iba ngayon ang sitwasyon dahil maiinit na rin pati ang kanilang mga kaalyadong pulitiko sa lalawigan.
Ito ang dahilan kaya nagdoble ng seguridad ang magkabilang panig.
Sinabi kasi ng dating kalihim na walang ibang dapat managot kapag natokhang sinuman sa kanyang mga kaanak kundi ang pinagdududahan niyang kongresista na posible umanong dahilan kaya sila nasama sa narco list.
Ang dating kalihim na sinasabing galit na galit makaraang masama sa narco list ang ilang kapamilya ay si Mr. A….as in Alak-alakan.
Ang kongresista naman na kanyang sinasabing dahilan ng kanilang malaking problema ngayon ay si Mr. S….as in Swerte.