NALULUNGKOT din si Sen. JV Ejercito sa kalagayan ng movie industry ngayon.
Artista ang ama niyang si Manila Mayor Joseph Estrada kaya naman nagbigay rin siya ng suggestions para muling sumigla ang industriya ng pelikula.
“Dapat may panukala para mabuhay muli na dapat to require all cinemas na sa mga sinehan nila eh, may tatlo o apat na pelikulang Filipino films.
“Sana’y mabuhay muli dahil nakakalungkot. Siyempre, ang father ko, diyan nabuhay, diyan sumikat. It’s so sad also that the film industry is said to be dying.
“I hope that we can come up with programs and legislations na probably na magbibigay ng programs sa film industry para mabuhay muli,” rason ni Sen. JV nang humarap siya sa entertainment media and bloggers kamakalawa ng gabi.
Sa ngayon, maingay ang pangalan ng senador sa pagpasa ng Universal Health Care Law. Isa rin itong paraan para makatulong sa workers sa film industry. Aniya, mas maganda kung magkakaroon ng health cards ang lahat ng mga taong nagtatrabaho sa likod ng mga camera.