Vic, Pauleen napaiyak nang makapasok sa lugar kung saan ipinanganak si Jesus


PAUWI na ang Eat Bulaga Dabarkads galing sa Holy Land sa Israel base sa ilang posts nila sa kanilang social media accounts.

Of course, hindi lang pag-awra sa magagandang lugar ang ginawa nila roon, huh! Nanalangin din sila, nagsimba at na-offer ng prayers para sa kani-kanilang pamilya at iba pang mahal sa buhay.

Nag-post si Pauleen Luna-Sotto sa kanyang Instagram account ng picture nila together ng asawang si Vic Sotto at nilagyan niya ng touching caption.

Ayon kay Poleng, nasa loob ng St. Catherine church si Bossing matapos nilang makita ang Star of Bethlehem.

“Truthfully, we were so overwhelmed with Jesus’ birthplace, we cried and felt so humbled afterwards. I love how this photo shows how happy, content and peace you are @mzet280.

“I am eternally grateful to God for choosing you to be my husband. You’ve given me unconditional love, a kind of love that is gentle, true and sure. I pray that this trip to the Holy Land makes our relationship stronger and deeper, hand in hand, heart to heart,” dagdag na mensahe pa ng misis ni Bosssing.

Sa pagbabalik naman sa bansa, dadalo si Maine Mendoza sa Guillermo Mendoza Memorial Awards para sa kanyang recognition. Si Meng ang itinanghal na Box-office Queen 2018 para sa pelikula nila nina Bossing at Coco Martin na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

Read more...