HOLD muna ang lahat ng traditional media ads ng isang senatorial candidate.
Kailangan daw kasi nilang mag-isip ng strategy dahil sa kanilang grupo, ang inalaagaan nilang kliyente na si sir ay siyang pinakakulelat in terms of ranking.
Hindi kinagat ng publiko ang naunang inilutang na story line ng kanyang PR handler na galing siya sa isang mahirap na pamilya, nagsumikap at naging matagumpay sa career na kanyang pinasok bilang tagapagtanggol.
Pati ang umano’y relasyon niya sa isang aktres ay wala ring epekto sa kanyang ranking.
Paano nga naman iyun kakagatin ng publiko gayung malinaw naman sa madla na “Adan” rin ang type ni Sir.
Sinabi ng aking Cricket na galing ang campaign fund ng ating bida sa ilan sa kanyang mga natulungan noong nasa magandang pwesto pa siya sa gobyerno noong nakalipas na administrasyon.
Isa-isa niyang binalikan ang mga kumpanyang natulungan at hiningan ng kontribusyon para sa kanyang kampanya.
Kabilang sa nakinabang sa pondong iyun ay isang kalbong media influencer na sa totoo lang ay panay ang kubra ng pera pero wala namang naibibigay na magandang resulta sa kanyang mga kliyente.
Sinabi pa ng ating Cricket na dapat ay tanggapin na niya ang katotohanan na hindi siya nagmamarka sa ulirat ng mga botante kaya panahon na para tipirin ang paglalabas ng pera sa kampanya.
Pinayuhan na rin siya ng ilang nakapaligid sa kanya na magpakatotoo siya sa kanyang sarili dahil kahit paano at baka makakuha siya ng dagdag na pondo mula sa LGBT community.
Ang bida sa ating kwento ngayong araw na problemado dahil sa sadsad na ranking sa mga ratings ay si Mr. P…as in Pugo.