JK Labajo pinagbantaan: Papatayin kita sa gig mo! Pasasabugin ko yun!


WALANG epek kay JK Labajo ang death threat na kanyang natanggap recently.

Hindi mukhang bothered ang controversial rock star kahit na may pagbabanta na sa kanyang buhay.

“PU***NG I**A MO. HUMANDA KA PAPATAYIN KITA SA GIG MO PAPASABUGIN KO YUN WALA AKONG PAKE SA DAMI NANG MAMAMATAY MAPATAY LANG KITA.”

‘Yan ang death threat message na natanggap ni JK which she shared sa kanyang social media account.

“Beshie huli ka na. Palagi kaming may pasabog sa mga gigs namin di ka namin need. Luv u 2 thnx bye,”

matapang na sagot ni JK sa nag-send ng death threat.

“Basta kung ganyan ang ugali alam niya na kung kaninong fan yun. Pag may nangyari man sakin kilala niyo na kung sino paghihinalaan nyo.”

‘Yan ang kasunod na aria ni JK. Binantaan na ang buhay ay na-bash pa si JK. Katawa ang mga comments na nabasa namin na karamihan ay pinaniniwalaang kampi sa kaaway ni JK na si Darren Espanto.

“Ang sama pala talaga ng ugali ng batong to, walang manners at puro masasama ang sinasabi.”

“Need yata talaga ng article ng batang ito, kung ano anu na lang masabi. May death threat ka because you owe something to someone, why don’t you reassess your attitude before blaming someone.”

“Poor kid, kaya may papatay sa iyo it’s because of your attitude not because he/she was a fan of someone. Ang galing ding magbintang. Bat di ka kaya magpakabait na lang.”

“LOL! Lahat na lang ikoconnect nya kung kani-kanino. Pag may nangyari sa JK na to, it is because of his own doing. So sasabihin pa din ba ng fans ‘at least sya may isang hit song’?”

‘Yan ang mga pamba-bash na inabot ni JK na sinagot naman ng isang netizen who said, “The kid is being threatened and your reaction is, he deserves it? No matter how dirtymouthed JK can be, it is not a justification to support taking someone’s life. Bomb joke nga sa lrt/mrt we don’t condone.”

Oo nga naman. Kung bashers kaya ni JK ang pagbantaan ang buhay, how would they feel kaya?

Read more...