WALANG ambisyon si Piolo Pascual na maging director. Mas gusto niyang maging scriptwriter na kanya nang nasimulan nang mag-enrol siya kay Ricky Lee.
“I wasn’t able to pursue it because of my schedules,” rason ni Piolo sa contract signing niya bilang ambassador ng AMA Online Education program nito.
Pagdating naman sa pagdidirek, “I don’t have the knack for it. I don’t want to call the shots.
“Producing is different. It’s business. I don’t know how I will compose the shots. I don’t like to be a director because it’s too much to handle,” rason pa ng aktor.
Pupunta sa Florence si Piolo kasama si Joyce Bernal para mag-aral ng film producing. Naka-book na ‘yon last year pa at eight weeks siyang mawawala sa bansa.
Kinumpirma rin ng aktor na wala na siyang balak gumawa ng teleserye sa ABS-CBN.
“No, I’m not doing teleseryes anymore! Final na ‘yan. I’m old na. Well, not that old, old. I’m doing that for the last ten years. It’s something that I don’t enjoy doing anymore. It’s really hard to do a teleserye!” katwiran pa niya.
“I’ve become a producer and there are so many things that we can work on. And acting-wise, endorsement-wise, I still have my hands full.
“It’s hard. I mean, I don’t want to take it away from somebody else, but it’s not something that I wanna pursue for now anymore,” paliwanag pa ng aktor. So, ibig sabihin nito imposible nang mangyari ang inaabangang reunion series nila ni Judy Ann Santos.
Magko-concentrate na raw siya sa paggawa ng movies. May mga ginagawa siya ngayong proyekto under Brillante Mendoza and Lav Diaz.
Kaya naman ang pagkuha sa kanya ng AMA sa on line education ay welcome na welcome sa kanya dahil makakapagbigay siya ng inspirasyon sa mga kabataang nag-aaral.
In case hindi n’yo pa alam, adbokasiya rin ni Piolo ang edukasyon at meron din siyang mga scholar na malapit nang mag-graduate.
“I really want to champion educations because that’s really my advocacy. We have programs that they can avail through the foundations that we have and also our partnership!” diin pa ni Piolo.