Bagyong Chedeng nalusaw

NALUSAW na ang bagyong Chedeng at isa na lamang low pressure area matapos na mag-landfall ngayong araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration magdadala ng pag-ulan ang LPA sa Mindanao.

“This weather disturbance will continue bringing   scattered moderate to heavy rains over Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, North Cotabato, Davao del Norte, Davao del Sur and Davao City,” saad ng PAGASA.

Nag-landfall ang bagyo sa Malita, Davao Occidental alas-5:30 ng umaga.

Pinayuhan ang mga maglalayag na gumagamit ng maliliit na bangka na huwag pumalaot.

Read more...