AlDub Nation tanggap na ang relasyong Maine-Arjo: Move on na tayong lahat

“MOVING forward” na ang gamit na hashtag ng AlDub Nation sa Twitter kahapon. Ibig sabihin time to accept the truth about Alden Richards and Maine Mendoza.

In fairness, humamig ang #ADNMovingForward ng 40.4K tweet as of this writing, huh!

Tweet ni @aldubmaiden, “Never let the past hold you from moving forward. Memories may be hard to let go, but the future holds more to enjoy.”

“Sometimes HAPPINESS is a feeling. Sometimes it’s a decision,” ang mensahe naman ni @Jacquillane9.

May mga nag-tweet din ng verses sa Bibliya at naglabas naman ang ilan ng magkahiwalay na litrato nina Alden at Maine sa Holy Land.

Of course, moving forward man ang ADN, tuloy pa rin ang suporta nila sa bawat project na gagawin ng kanilang mga idolo nila.

Moving forward sila sa mga hater at negativity na ibinabato kina Maine at Alden. Mas magko-concentrate na lang daw sila sa pagsuporta at patuloy na pagmamahal sa phenomenal loveteam.

Naniniwala rin sila na kahit nandiyan na si Arjo Atayde sa buhay ni Maine, hinding-hindi babalewalain ng Dubsmash Queen ang pinagsamahan nila ng Pambansang Bae.

Read more...