Male model pinagsawaan na ng mga beki bago sumikat sa TV | Bandera

Male model pinagsawaan na ng mga beki bago sumikat sa TV

Cristy Fermin - March 19, 2019 - 12:20 AM

KAPAG nagkapangalan na ang isang personalidad ay naglulutangan na ang maraming kuwento tungkol sa kanya, may mga nabubuklat nang kuwentong hindi kagandahan, kasi nga ay kilala na ang artista.

Kapag hindi pa kilala ay okey lang, walang nagsasayang ng panahong pag-usapan siya, pero kapag unti-unti na siyang nakikilala ay ‘yun na!

Kuwento ng aming source, “Tulad nitong bagitong male personality na dati naman, e, walang kahit anong kuwentong kumakalat tungkol sa kanya. Walang pumapansin sa kanya kahit pa daily siyang nakikita sa TV.

“Pero nu’ng maugnay na ang name niya sa isang becki, ayun na, marami nang kuwentong ikinakambal sa kanya,” seryosong sabi ng isang source.

Kung bakit naman kasi may palutang pa ang kampo ng bagitong personalidad at ang becki na wala pang karanasan sa becki ang lalaki. Ang sikat na becki raw ang kanyang una.

Balik-kuwento ng chikadora naming impormante, “Kasi nga, ang kuwento, e, pinaimbestigahan kuno ng becki ang guy, ipinatanong sa mga friends niya kung marami nang kinarelasyong becki ang bagitong personality.

“Wala pa raw, ‘yun ang nakarating sa sikat na becki, kaso, biglang may pinagsabihan ang isang becki na walang katotohanan ang kuwento!

“Marami na palang nakarelasyon si baguhang TV personality, sa kagustuhan niyang matulungan ang pamilya niya, e, kumapit din siya sa patalim!

“At meron pang isang becki na nagsalita sa mga kaibigan niya, nu’ng walang-wala pa kuno ang TV personality, e, marami siyang nautangan, isa na nga ang becki, sa kanya mas malaki ang kautangan ng male bagito!

“Paano niya naman ipagkakaila ang nakaraan niya, e, nakitira pa nga siya sa isang direktor ng modelling? Matagal siyang nakitira sa bahay ni direk, ano ‘yun, nagmagandang-loob lang si directed by sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ewan lang naman kung maaapektuhan ang relasyon nila ngayon ng sikat na becki, mahal na mahal kuno nila ang isa’t isa ngayon. Spoiled na ang lalaki sa kanyang baby,” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong check at panalo agad ang sagot n’yo tungkol sa mga bumibida sa ating kuwento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending