EB host Maureen pinag-init ang socmed dahil sa pinya sa hita | Bandera

EB host Maureen pinag-init ang socmed dahil sa pinya sa hita

|March 19,2019
facebook
share this

EB host Maureen pinag-init ang socmed dahil sa pinya sa hita

- March 19, 2019 - 12:15 AM


USAP-USAPAN sa social media ang ilang litratong ipinost ng model at Eat Bulaga Dabarkads na si Maureen Wroblewitz.

Mainit na nagpalitan ng comments ang kanyang followers sa Instagram dahil sa kanyang photo kung saan may nakalagay na pinya sa pagitan ng kanyang mga hita.

May kahalayan daw kasi ang dating ng litrato ni Maureen. Bakit daw kailangan pang ipuwesto sa pagitan ng kanyang legs ang pinya nagmukha raw tuloy itong pictorial para sa possible “remake” ng sexy film ni Rossana Roces na “Patikim Ng Pinya”.

Noong kasagsagan kasi ng pagpapalabas ng nasabing movie, nabalita na ang basa raw talaga sa title nito ay “patikim ng P niya”. Ang ibig sabihin daw ng P ay ang maselang bahagi ng katawan ng isang babae.

Kaya naman nang mabasa ang mga komento ng ilang netizens, takang-taka si Maureen kung saan nanggagaling ang mga ito. Sabi nga niya isa niyang follower, “Random lang, as the photographer.”

Bukod dito, nag-tweet din ang dalaga ng, “I really don’t understand why some people find this weird or awkward. i’d find it more if there was nothing at all, i mean at least it’s covering the creases from the pants.”

May mga nag-suggest naman kay Maureen na dedmahin na lang ang comments ng netizens na sinagot naman niya ng, Maybee, I just really don’t get it. It’s art, my photographer is just very creative.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending