Maymay binigyan ng payo ni Pia: Kayang-kaya mo yan!

FOREVER na babaunin ni Maymay Entrata ang ilang advice na ibinigay sa kanya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Kuwento ng Kapamilya singer-actress, talagang tinulungan at ginabayan siya ni Pia nu’ng rumampa siya sa kasama ang ilang beauty queens sa homecoming event ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Sa isang panayam kay Maymay sinabi nito na habangbuhay niyang ite-treasure ang naging pag-uusap nila ni Pia bago magsimula ang pa-concert at mini-fashion show para kay Catriona na ginanap sa Araneta Coliseum.

“Sabi niya sa akin, ‘Kaya mo ‘yan. Okay lang ‘yan, relax.’ Ito ang sabi niya sa akin backstage, ‘Okay lang kabahan kasi ibig sabihin may care ka sa sarili mo, ibig sabihin may care ka sa ginagawa mo kaya ayon natuwa talaga ako. Thank you Ms. Pia. I love you,” kuwento ni Maymay sa nasabing interview.

Kung matatandaan, pinalakpakan ang pagrampa ng ka-loveteam ni Edward Barber sa homecoming ni Catriona suot ang creation ni Mak Tumang. Talagang hindi siya nagpatalbog sa nakasabay niyang beauty queens on stage.

Sabi nga ni Maymay after ng event, “Sobrang sarap sa feeling dahil pinagkatiwalaan akong mag-opening sa show na ito tapos mga kasama ko mga tunay na beauty queens pa.

“At dahil pinili nila akong mag-opening dahil ako ‘yung gumanap sa VTR, mas binigyan nila ako ng pagkakataong mas makilala si Catriona at sobrang na-inspire ako. Kahit kinakabahan ako, ginalingan ko talaga para sa kanya,” chika pa ng dalaga.

 

Read more...