Kalat na: Jake Cuenca, Kylie Versoza nagli-live in na raw


NANG mabalita ang kakaibang closeness nina Jake Cuenca at 2016 Binibining Pilipinas International Kylie Versoza sa set ng Los Bastardos ay hindi na kami nagulat o nagtaka.

Base sa pagkakakilala namin sa aktor ay madali siyang ma-develop sa kanyang leading lady. Yes, magkarelasyon ang role nila sa nasabing serye ng ABS-CBN mula sa RSB unit.

Kung matatandaan halos lahat ng naging leading lady ni Jake sa teleserye at pelikula ay nagiging karelasyon niya o nililigawan niya.

At mukhang hindi na itinatago nina Jake at Kylie ang kanilang relasyon base na rin sa mga litrato nila sa Instagram. May nabasa pa nga kaming comment ni Binibining Pilipinas Universe 1994 Charlene Gonzales-Muhlach na, “Bagay kayo.”

Samantala, nasulat na nagli-live in na ang dalawa dahil nakikita raw silang magkasama sa BGC condo bagay na itinanggi ng manager ni Jake na si Neil de Guia. “Bahay nina Kylie ‘yun, family niya ang nakatira,” sabi sa amin.

E, bakit laging nandoon si Jake? “Alam mo naman si Jake kapag nanligaw, pati family nililigawan,” katwiran ni Neil.

As of this moment ay nasa marrying age na si Jake at tanda namin noon na kapag nagka-girlfriend siya ay iyon na ang gusto niyang makatuluyan. In fairness, bagay nga sina Jake at Kylie.

Read more...