Bianca: May personal connection ako kay Sahaya

INABANGAN ng mga Kapuso viewers ang pilot episode ng pinakabagong primetime series ng GMA, ang pinag-uusapang Sahaya na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Maaga pa lang kahapon ay mainit nang pinag-uusapan sa social media ang muling pagtatambal ng BiGuel loveteam kaya naman siguradong maganda ang resulta nito sa ratings game.

Ayon kay Bianca, sinisiguro nilang laging pulido ang bawat eksena sa Sahaya kaya umaasa siya na susubaybayan ito ng manonood. Ibang-ibang Bianca rin daw ang matutunghayan ng viewers sa serye.

“I’m super excited at kabado at the same time. Sahaya also is my most challenging role. All my roles have been really challenging also, but Sahaya is different kasi isa po siya sa mga dream role ko,” pahayag ng Kapuso Primetime Princess.

Dugtong pa niya, “Dati gusto kong maging sirena and never in my wildest dreams have I thought that I would get a role like Sahaya. Yes, hindi po siya mermaid, pero mahal na mahal po niya ang dagat at buhay niya ang pagsisisid niya.

“It’s actually very exciting for me kasi I love the water. I think that’s why parang meron akong personal connection with Sahaya’s character,” aniya pa.

“Sobrang na-excite po ako kasi ito pa lang ang show ko na, I mean in my past shows I gave my 200 percent, but this time, it’s like a thousand times more. I’m so excited,” dagdag pa ni Bianca.

Tutukan ang pagsisimula ng Sahaya sa GMA Telebabad after Kara Mia, ito ang kapalit ng katatapos lang na Onanay. Kasama rin dito sina Mylene Dizon, Snooky Serna, Zoren Legaspi, Eric Quizon, Migo Adecer at marami pang iba sa direksyon ni Zig Dulay.

Read more...