‘Love;Life’ nina Dino Imperial at Sachzna Laparan hindi ‘suicide movie’


“EVERYTHING happens for a reason. Your pain now can be the blessing of your lifetime… Love;Life!”

‘Yan ang buod ng kuwento ng pelikulang “Love;Life” na pinagbibidahan ng Kapamilya actor na si Dino Imperial at ng internet/social media sensation na si Sachzna Laparan.

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang pelikula sa ginanap na special press screening nito kamakailan.

Kasama rin naming nanood sina Dino at Sachzna na first time ring nasaksihan ang kabuuan ng pinaghirapan nilang proyekto. Siyempre, present din ang direktor ng pelikula na si Nikko Arcega
Romantic-comedy ang “Lofe;Life” kaya siguradong marami ring makaka-relate sa kuwento nito na iikot sa buhay nina Elvis (Dino) at Madonna (Sachzna) na pinagtagpo ng tadhana para kalimutan ang kani-kanilang hugot sa buhay hanggang sa maramdaman nilang unti-unti na silang nai-in love sa isa’t isa.

Pero siyempre, may big twist sa bandang ending ng pelikula kung saan madi-discover ni Madonna kung ano ba talaga ang motibo ni Elvis sa pakikipaglapit sa kanya na nagsimula nga nang magkita sila sa isang tulay kung saan sabay sana silang magpapakamatay.

No, hindi po ito “suicide movie”, naging bahagi lang ng kuwento ang kontrobersiyal na isyung ito para pagtagpuin ang dalawang taong parehong gustong makalimot sa kanilang pagkabigo.

In fairness, bukod sa magandang kuwento ng “Love;Life”, refreshing din ang mga location na ginamit ni Direk Nikko sa pag-iikot ng dalawang pangunahing karakter sa ilang lugar sa rehiyon ng Calabarzon. Para na rin kayong nakapagbakasyon kapag pinanood n’yo ang pelikula.

Gusto rin naming palakpakan ang dalawang bida sa “Love;Life”. Given na ang galing ni Dino dahil bata pa lang ay umaarte na siya at nabigyan naman niya ng hustisya ang katakter ni Elvis. Pero ang talagang namarka sa amin ay si Sachzna na kahit first time magbida sa isang full length film ay may napatunayan na agad.

She’s a natural actress at sure kami na malayo pa ang mararating niya sa mundo ng pelikula, maging sa telebisyon, kung mabibigyan pa ng magagandang breaks.

Ayon kina Dino at Sachzna, hindi naman sila nahirapan sa mga pa-kilig nilang mga eksena dahil simula pa lang ng kanilang shooting ay nag-click agad sila kaya naman natural na natural ang kinalabasan ng mga kilig scenes nila. Bukod kina Dino at Sachzna, kasama rin sa “Love;Life!” sina Epy Quizon, Kiray Celis (na as usual agaw-eksena na naman sa kanyang mga paandar), Matt Evans at Victor Medina. Showing na ito sa April 10 nationwide mula sa Bluerock Entertainment.

Read more...