Ayon sa EcoWaste Coalition, nakabili ang kanilang mga miyembro ng Parley Herbal Whitening Cream; Goree Beauty Cream, Goree Day & Night Whitening Cream at Gol-den Pearl Beauty Cream sa mga cosmetic retailers sa Baclaran Terminal Plaza Mall at Baclaran Bagong Milenyo Plaza sa halagang P225-P300.
Nagpalabas ang FDA ng advisory noong Marso 5 laban sa Parley dahil sa mataas na mercury content nito. Ang mga Goree pro-ducts naman ay na-ban noong Oktubre 2017. Ang Golden Pearl ay na-ban noong Setyembre 2014.
“We are dismayed by the nonstop and remorseless trade of unregistered skin lightening products from Pakistan containing extremely high levels of mercury way above the permissible limit of 1 part per million,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste.
Dahil sa panganib sa kalusugan, ipinagbabawal ng Asean Cosmetic Directive ang paghahalo ng mercury na lagpas sa 1 ppm sa mga skin whitening creams, lotions at soaps.
Sa ilalim ng Minamata Convention on Mercury, dapat ay mayroong global phase-out na ang mga skin whitening cosmetics na may mercury sa 2020.
Ang mga sanggol sa sinapupunan ng babae na gumagamit ng produkto na may mercury ay nagkakaroon ng neurodevelopment deficits.
Noong nakaraang taon ay ipinagbawal naman ng FDA ang pagbebenta ng Aneeza Gold Beauty Cream, Aneeza Saffron Whitening Cream, at Face Lift Whitening Beauty Cream dahil sa taglay nitong mercury. —Leifbilly Begas