GF ni Jason Abalos lalaban uli sa Bb. Pilipinas 2019

By Ervin Santiago March 17,2019
share this

GF ni Jason Abalos lalaban uli sa Bb. Pilipinas 2019

By Ervin Santiago March 17,2019
share this

SUPORTADO ni Jason Abalos ang muling pagsali ng kanyang model-girlfriend sa Binibining Pilipinas 2019.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lalaban si Vickie Rushton sa nasabing beauty pageant. Last year siya ang itinanghal na Binibining Pilipinas 2018 first runner-up.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Jason ng litrato ni Vickie para ibandera sa buong universe na muling rarampa ang dalaga sa nasabing pageant. Nilagyan niya ito ng caption na: “Ang ganda mo naman! Good luck.”

Kinumpirma rin ito ni Vickie na nag-apply uli siya sa Binibing Pilipinas 2019 sa kanyang Instagram Stories kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng followers na nag-congratulate sa kanya.

Bukod sa Binibini, kinoronahan din ang girlfriend ni Jason noong 2011 bilang Mutya ng Pilipinas. Abangan na lang natin kung papalarin na this time si Vickie at kung siya na nga ang susunod sa yapak nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na hindi sumuko sa laban hanggang makamit ang minimithing Miss Universe crown.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending