Daniel may pangako kay Kathryn: I love you very much, Bal ko!

BASAG ang lahat ng mga trolls sa social media nang ibandera mismo ni Daniel Padilla sa buong mundo ang pagmamahal niya kay Kathryn Bernardo.

Pinatunayan ng KathNiel na walang nangyaring hiwalayan at going strong pa rin ang kanilang relasyon nang sabay silang humarap on national TV sa episode ng ASAP.

Nagkaroon ng early birthday celebration si Kathryn sa ASAP kahapon at dito nga siya binati ni DJ. Sa March 26 ang ika-23 kaarawan ng Kapamilya Box-office Queen.

Narito ang mensahe ni DJ para sa kanyanh GF, “Ito lang ang gusto kong sabihin sa iyo, Bal. Ako ay laging nandito para sa iyo—para sumuporta, para pumrotekta, at mag-alaga, at pasayahin ka.

“I love you very much, Bal ko,” sabi pa ng binata kaya naghiyawan at nagpalakpakan ang audience. “Bal” ang term of endearment nina Kath at DJ para sa isa’t isa.

Ang guesting nina Daniel at Kathryn sa ASAP ang kauna-unahang pagharap nila together sa madlang pipol after kumalat ang chika na on the rocks na ang kanilang relasyon.

Umugong pa lalo ang tsismis nang mag-announce ang Star Cinema na itatambal si Kathryn kay Alden Richards sa next movie nila, sa direksyon ni Cathy Molina. Kukunan pa ang pelikula sa Hongkong kung saan gaganap na OFW ang tamalang KathDen.

May mga KathNiel fans ang na-excite sa proyektong ito pero meron ding mga nangnega. Bakit daw kailangan pang itambal si Kath kay Alden samantalang kumikita naman ang mga KathNiel movies.

Read more...