Alden nakatikim agad kay Direk Cathy Molina; inokray ang panga


NAGSIMULA na ang pre-prod para sa pelikulang pagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards under Star Cinema early this week. Nag-look test na sina Kathryn, Alden at iba pang kasama sa cast ng movie na ididirek ni Cathy Garcia Molina.

Ayon sa aming source, sa look test pa lang daw ay “nabinyagan” na agad si Alden ni Direk Cathy tungkol sa kanyang face. Medyo mapanga raw pala ang Kapuso actor. Pero pa-sweet naman itong sinabi ng direktor sa binata.

Nandoon din sa look test ang ina ni Kathryn na si Mommy Min. Sabi pa ng aming kausap, mukhang tuwang-tuwa si Mommy Min kay Alden all throughout na magkasama sina Kathryn at Alden sa look test.

Last year pa pala naganap ang “negosasyon” between Alden’s camp and Star Cinema. Not less than six times daw nag-meeting ang dalawang kampo bago nagkaayos.

From our source ulit, kung hindi na magkakaaberya, magaganap ang first shooting day ng movie nila on April 10. Meron na raw kasi silang playdate na hinahabol.

Knowing Direk Cathy, kayang-kaya niyang “lagariin” ang proyekto in less than two months. Mas magaling pa nga yata si Direk kapag minamadali siya, eh.

Read more...