WALA nang paki sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa mga kumokontra sa kanilang relasyon. Basta ang mahalaga, naipagsisigawan na nila sa buong universe ang kanilang pagmamahalan.
Sabi nga ni Arjo sa nakaraang presscon ng bago niyang digital action-drams series sa iWant, ang Bagman, hindi na siya apektado sa mga bashers, lalo na ngayong very open na sila ni Maine sa kanilang love affair.
Samantala, speaking of Bagman, ito ang unang socio-political action drama series ni Arjo. Tungkol ito sa isang ordinaryo ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya. Dahil sa road-widening project ng munisipyo, nanganganib na ma-demolish ang sarili niyang barbershop na siyang pinagkukunan niya ng pang-araw-araw na
kita.
Para kumita ng extra, papayag siyang maging bagsakan ang kanyang barbershop ng mga kahina-hinalang transaksyong maaaring magpahamak sa buhay niya. Hanggang sa maging bagman na siya ng kanilang gobernador.
Mula sa Dreamscape Digital at Rein Entertainment, makakasama rin sa Bagman sina Alan Paule, Yayo Aguila, Chanel Latorre at Raymond Bagatsing.
Ang 12-part series na ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico, at nilikha naman nina Lino Cayetano, Philip King at Shugo. Ang unang anim na episodes ay magiging available sa iWant nang libre simula March 20. Tatlong episodes naman ang mapapanood sa March 27, at ang huling tatlong episodes ay sa April 3.