Walang personal na relasyon ang dating TV reporter na naging director and producer na si Ceasar Soriano sa pinaslang na Mayor ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili.
Naging interesado lang si Ceasar sa yumaong politician dahil sa kontrobersyal na buhay nito.
“Ako, I’m always interested with true to life stories. Sabi nga niya sa akin, ‘Bakit masyado kang interesado sa akin?’ Sabi ko, nakita ko kasi na kakaiba ang istorya niya,” lahad ni Direk Ceasar.
Ang aktor na si John Estrada ang napili ni Ceasar na gumanap bilang si Mayor Halili sa film-bio ng politiko, titled “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.” Si Ceasar ang nagdirek ng movie and produced by GreatCzar Media Productions.
Para sa direktor, malaki ang pagkakahawig ni John sa pinaslang na alkalde, lalo na nu’ng patayin ito during their flag ceremony sa kanilang Munisipyo.
Saka matangkad si John, magaling, at “playboy.” Para talaga siyang si Mayor, “Noong una kong in-offer sa kanya ang role, pinag-isipan niya. Sabi ko, hindi ito basta-basta na movie. Kapag gusto ko kasi ang isang artista, hindi siya makakahindi sa akin,” pahayag ni Direk Ceasar nang makausap ng press after ng premiere night ng “The Last Interview” na ginanap sa SM City Lipa, Batangas.
Inamin din ng direktor na fascinated siya at naging obsessed na maisalin sa pelikula ang buhay ni Mayor Halili dahil sa ginawa nitong pagpaparada ng mga drug users and pushers sa kanilang lugar.
“Nalaman ko rin na ina-accuse siya of violating human rights by parading the drug users and pusher. So, na-curious ako why was he doing that? What was the reason, what was his driving force why he has to parade these drug pushers and users? So, to me, it’s very interesting especially there’s this war on drugs of President Rodrigo Duterte,” aniya.
Kabilang kami sa mga naimbita at nakapanood ng “The Last Interview” sa premiere night last Sunday.
Present ang buong cast ng pelikula at dumating din ang babaeng anak ni Mayor Halili at tumatakbong Mayor ng Tanauan ngayon na si Angeline Halili.
Anyway, maraming big revelations ang ipinakita sa pelikula sa buhay ni Mayor Halili until the last hours ng kanyang buhay.
Bukod kay John, kasama rin sa movie si Ara Mina na gumanap bilang misis ni Mayor, Martin Escudero, Yayo Aguila, Mon Confiado at Juan Miguel Soriano.