Ai Ai apektado pa rin kay Kris: ‘Kesa mangnega at mang-okray magbilang na lang ng blessing’

AI AI DELAS ALAS AT KRIS AQUINO

IF only for the great things happening to her, it’s strange na napaglalaanan pa ng oras ni Ai Ai delas Alas ang pagpapatutsada sa obvious namang dating BFF niyang si Kris Aquino.

For sure, depensa ni Ai Ai ay wala naman siyang binabanggit na pangalan nang i-post niya sa kanyang Instagram account na “Karma is digital” followed by hashtag lines na kesyo may alam na siya noon pa tungkol sa anonymous person na ‘yon pero tahimik lang siya.

Lalo pang nakumbinsi ang mga netizens na patungkol nga ‘yon kay Kris nang mag-comment si Gretchen Barretto, the glam yet “sawsaw” woman whose social media posts hardly matter anyway (napag-uusapan, yes, but have a negative impact on her).

Nakakatawa kasi, if not appalling na tila binubuhay ni Ai Ai ang long-forgotten issue sa kanila ni Kris, that is, kung isyu ngang matatawag ‘yon. Huwag sabihin ni Ai Ai that her IG post wasn’t a slur against Kris unless may iba na siyang inaaway ngayon and is taking her petty quarrels to social media.

But it couldn’t be a Johnny-come-lately enemy. May reference kasi na “noon ko pa alam pero silent (mode) lang ako” hashtag. So what about Kris has Ai Ai known ever since?

We could only shake our head in disenchantment sa ganitong behavior ni Ai Ai. Just recently, nagwagi siyang Best Actress in an international film festival para sa pelikulang “School Service.”

Hindi ba’t mas dapat niya itong ipagpasalamat bilang karagdagan sa koleksiyon niya ng mga acting trophies abroad (pero kadalasan namang iniisnab sa local award-giving bodies ang acting niya?).

Shouldn’t Ai Ai be thankful na kung hindi man ngayon ay magkakaroon na ng katuparan ang pangarap nila ng asawang si Gerald Sibayan na mabiyayaan ng supling albeit through scientific means?

Pero ‘yun na nga, instead of Ai Ai counting her many blessings ay mas nakatuon ang kanyang pansin sa kabibilang ng mga kaaway at stress factors caused by her ill feelings toward other people.

Kung maka-digital karma si Ai Ai, wagas! As if naman ang salitang karma ay puro bad lang.

Napaghahalata lang tuloy na nasa time warp pa rin siya. Matagal nang isyu ‘yung sa kanila ni Kris yet she hasn’t since moved on.

And what is this telling us, aber? Itanggi man ni Ai Ai, apektado pa rin siya sa anumang isyu—good or bad—involving Kris.

A classic example of pretending not to care about the person at all, pero isang malaking kaechosan lang ‘yon.

Read more...