ANIM na beses nagbuga ng abo ang bulkang Mayon kamakalawa, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Una itong nagbuga ng abo alas-9:06 ng umaga at may taas itong 200 metro.
Sumunod alas-9:39 ng gabi na may taas na 500 metro na nasundan alas-9:46 ng gabi na may 200 metrong taas.
Alas-9:55 ng gabi ay nagbuga ito ng abo na may taas na 500 metro. Nasundan ito alas-10 ng gabi na may taas na 700 metro at alas-10:59 ng gabi na may taas na 300 metro.
Ayon sa Phivolcs nananatili ang Alert Level 2 sa Mayon. “This means that Mayon is at a moderate level of unrest”
May ipinatutupad na anim na kilometrong Permanent Danger Zone at precautionary seven kilometer-radius Extended Danger Zone sa paligid ng bulkan.
“People residing close to these danger areas are also advised to observe precautions associated with rockfalls, PDCs (pyroclastic density currents) and ash fall.”