KITANG-KITA sa mga mata at ngiti ni Arjo Atayde ang sobrang kaligayahan ngayong malaya na nilang naisisigaw ni Maine Mendoza ang kanilang tunay na feelings para sa isa’t isa.
Ramdam na ramdam mo ang kilig sa kanyang ngiti at pagsasalita habang sinasagot ang tanong ng entertainment press tungkol kay Maine pagkatapos ng presscon para sa bago niyang proyekto, ang iWant originak digital series na Bagman.
“Masaya po ako,” simulang pahayag ng binata. “I’m very, very happy. I think that’s what matters now. The career, ABS-CBN is taking care of me, my personal life is good right now. I’m really happy. Kuntento po ako,” aniya pa.
Pero nilinaw ng Kapamilya actor na nililigawan pa rin niya ang Dubsmash Queen, “We’re exclusively dating. Du’n pa lang po kami.”
Dagdag pa ni Arjo, kahit na raw umamin na sila ni Maine about the real status of their relationship through social media, mas gusto pa rin niyang gawing private ang kanilang love story – hangga’t maaari.
“Having the freedom of posting doesn’t make us post even more kasi for us, you know, I don’t think basehan ‘yun ng relationship, ang pag-post ng pag-post.
“We want it private as much as we can. Hindi ko naman sinasabing private tayo. But of course, ang sa amin, what you see is what you get naman,” paliwanag ng anak ni Sylvia Sanchez.
Nakahanda ba siyang ipaglaban si Maine kahit na ano ang mangyari? “As I said last time, she’s worth fighting for, so dedma na lang siguro. Ang happy niya eh. Tulad ng sinabi ko kanina, kuntento na po ako. I’m just really happy. And I see her happy. And I think that’s all that matters to me.”
Inamin din ni Arjo na natakot din siya nu’ng ipakilala siya ni Maine sa mga magulang nito, pero aniya kailangan daw niyang gawin yun para patunayan ang malinis at tapat niyang intensyon sa dalaga.
“Well, of course, I think every guy would be scared to meet the family but nakakatakot po eh kasi bilang babae po ang anak nila. Natatakot but I faced it. I have to and I want to,” pahayag pa ng binata.
Samantala, mapapanood na ang unang anim na episode ng latest action series na Bagman ni Arjo sa iWant sa March 20 habang ang huling tatlong episode ay makikipagbakbakan naman sa digital world sa March 27, mula sa Dreamscape Digital Entertainment.
Ito ay isang socio-political drama na iikot sa kuwento ng barberong si Benjo na mapapasabak sa isang mapanganib na trabaho.
Kasama ni Arjo rito sina Alan Paule, Raymond Bagatsing, Chanel Latorre at Yayo Aguila.