286 na patay sa tigdas, mahigit 18K nagkasakit

UMABOT na sa 286 ang mga nasawi dahil sa tigdas habang tinatayang 18,553 kaso ang naitala sa loob lamang ng dalawang buwan, ayon sa Department of Health.

Sa pinakahuling ulat, sinabi ng DOH Epidemiology Bureau na ang naitalang bilang ng mga nasawi, mula Enero 1 hanggang Marso 7,  ay pitong beses na mataas sa 39 na namatay sa parehong panahon noong 2018.

Sa mga nasawi, nasa 131 o 41 porsiyento ay may edad 1 hanggang samantalang 110 o 26 porsiyento ay wala pang siyam na buwan ang edad.

Samantala, 80 porsiyento o 228 sa mga nasawi ay walang mga bakuna at 28 ay hindi batid kung napabakunahan at 30 ay isa lamang ang dose ng bakuna.

Ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ng 82, sinundan ng Calabarzon na may 80 nasawi, ayon sa DOH.

Pinakamataas naman ang kaso ng tigdas sa Calabarzon (4,087) na sinundan ng Metro Manila (3,850).

Read more...