Agot, Hilbay 2 years nang nagde-date pero sigaw ng bashers: Naggagamitan lang ‘yan


THE cyberspace is abuzz with rumors na nagde-date na for two years sina Agot Isidro at Otso Diretso senatoriable Pilo Hilbay.

With that, na-bash nang husto ang dalawa ng mga bayarang alipin. Kung anu-ano ang itinatawag sa kanila, lait na walang patumangga ang inabot nina Pilo at Agot.

It was as if kasalanan ang magkaroon ng relasyon ang dalawa. Marami naman ang nagtanggol kina Pilo and Agot.

“People quick to judge Pilo and Agot. They have been dating for sometime. 2 years ago pa yata. Way before campaign and election season. So for those na nagsasabi na naggagamitan lang sila, kasi mababa sa survey si Pilo, tumigil na. Hindi puwede maging masaya na lang for them?”

“Hello, @agot_isidro & @fthilbay are both single & available. Plus I think they’re a good match because they share the same beliefs & advocacies. I’m shipping #HilSidro.”

“Mga bitter lang ang nanghuhusga sa kanila. Siguro walang silang lablayp.”

“Why can’t people just be happy for them! Who are we to even judge them? Ang bababaw na talaga ng mentalidad ng mga tao? Puro kabakyaan at katangahan!”

May nabasa naman kaming statement ni Agot about Hilbay, “Ang na-realize ko nu’ng nagkaroon kami ng pagkakataon to get to know him deeper is Pilo is a man I can trust with all my heart and my life actually.

“Alam niyo naman kung gano ko katapang ‘di ba? Ang dami kong pinaglalaban pero masarap din ang may kasama sa laban.”

Read more...